PM is the Key

PM is the Key – ang linyang madalas nating mabasa sa mga post ng mga online sellers. Tila parang magic spell na kapag nabasa ng mga mamimili ay parang kinikiliti ang kanilang curiosity. Isa sa mga ugaling Pinoy ang pagiging usyosero kaya naman merong napapakumento o private message talaga.

Pero nito lamang June 4, nag anunsyo ang Department of Trade and Industry o DTI na bawal ng gamitin ang linyang PM is the Key.  Tila ba parang kontrabida sa eksena ng mga online sellers. Ang tanong ng mga online sellers, bakit bawal? At bakit ngayon lang ito nabigyan ng pansin ng DTI?

Ayon sa Department of Trade and Industry o DTI, bawal na ang paggamit ng katagang PM is the Key alinsunod sa Republic Act 7394 o mas kilalang the Consumer Act of the Philippine. Wait? RA 7394? Consumer Act of the Philippines? First time nyo lang din ba narining?

Ayon sa nasabing batas, it is unlawful to offer any consumer product for retail sale to the public without an appropriate price tag, label or marking publicly displayed to indicate the price.

Any person who violates for the first time shall be subject to a fine of not less than Two hundred pesos (P200.00) but not more than Five thousand pesos (P5,000.00) or by imprisonment of not less than one (1) month but not more than six (6) months or both, at the discretion of the court.

Pero teka, price tag? Publicly displayed? Take note mga Kabayan, ang Consumer Act of the Philippines ay naisabatas noong 1992, at noong panahong iyun ay wala pang online selling. We can say that the Consumer Act is outdated and needs to be amended to make it comprehensive para maisama ang e-commerce. Ito dapat ang isa sa mga batas na dapat tinututukan ng ating Kongreso at Senado.

Marahil kaya lang ngayon nabigyan ng pansin ng DTI ang ganitong marketing strategy eh dahil nagsulputang parang kabute ang mga online sellers in this time of pandemic.

Pero bakit nga ba ang PM is the Key is very much dominant strategy for online sellers?

Una,dahil sa Competition. Sa pag hindi pagpost ng price list in public, iniiwasan ng mga online sellers maagawan ng potential customers from their competitors. Competitors might lower their prices o under-cut each other. Sending the price via PM is the most effective and efficient way para makaiwas sa mapagmasid na mga mata ng mga competitors.

2nd, Sending PM creates interaction with customers. Sa pamamagitan ng pag-iwan ng comments or pag-PM, nagkakaroon ng lead for more engagements with customers. Dito na papasok ang negotiation skills ng mga online sellers. By engaging in a private one-on-one conversation with potential customers, nagkakaroon ng pagkakataon ang mga online sellers mag-offer ng mas mataas na presyo o mag offer ng ibang produkto para tumaas ang kanilang benta.

Pero sa mata ng mga customers, hindi bat hussle pa ang magtanong kung magkano ang presyo ng gusto nilang bilhin? Para kang bumibili sa grocery store na walang price tag ang mga nakadisplay na bilihin. Tatawagin mo pa ang sales lady or promodizers para malaman ang price ng mga produkto.

As a piece of advice para sa mga online sellers, mas mainam na ipost na in public ang presyo ng ating tinitindang produkto. Maaring sabihing prices are subject to negotiation. Be open to the ideaof offering promos, vouchers and discounts. Sa ganitong paraan, it will be a win-win situation for both buyers and sellers. Transactions will be clear for both parties.

Ikaw Kabayan, may naisip ka bang ibang tips? Comment down below or PM us… remember PM is the key!

Related articles

Dorm Boy

I started blogging using Dorm Boy as my pen name.

My personal favorites
E-BOOK
Explore